Malakanyang, nangakong mas paiigtingin ng pamahalaan ang kampanya vs ilegal na droga

By Mark Makalalad July 30, 2017 - 03:33 PM

Nangako ang administrasyong Duterte na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ito ang pahayag ng Malakanyang kasunod ng ikinasang drug raid ng Philippine National Police (PNP) sa Parojinog residence na nagresulta sa pagkakaaresto ni Ozamis Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez.

Ayon sa Malakanyang, matatandaang ang mga Parojinog ay kasama sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa pinakahuling tala, hindi bababa sa 12 ang napatay sa nangyaring drug raid.

Isa sa mga napatay si Mayor Reynaldo “Aldong” O. Parojinog, ang kanyang asawa na si Susan, kanyang kapatid at isang JR, mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at Civic Volunteer Organization na nakilalang sina Miguel del Victoria, Nestor Cabalan,, isang Vasquez at meron pang hindi nakikilala.

Nabatid na maghahain sana ng anim na search warrant ang pulisya mula sa lungsod kasama ang Misamis Occidental Police Provincial Office at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang biglang nagkaroon ng engkwentro.

TAGS: CIDG, ilegal na droga, Malakanyang, Mayor Reynaldo “Aldong” O. Parojinog, ozamis city, Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, CIDG, ilegal na droga, Malakanyang, Mayor Reynaldo “Aldong” O. Parojinog, ozamis city, Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.