Ayon kay Lt. Col. Edgar Catu ng 40th Infantry Batallion ng Philippine Army, nagsasagawa sila ng combat clearing operations laban sa BIFF nang mangyari ang sagupaan.
Ang operasyon ay inilunsad matapos ang pagpapasabog sa Barangay Pidsandawan sa nabanggit na bayan na ikinasugat ng siyam na sundalo.
Nabatid na sakay noon ang mga kawal sa military vehicle patungo sa Barangay Bakaj at Barangay Xapakan nang masabugan nang improvised explosive device (IED) na itinanim ng BIFF.
Samantala, itinanggi naman ni BIFF Spokesman Abu Misry mama ang ulat na nalagasan sila ng apat na miyembro sa naturang sagupaan.