4 BIFF members, patay sa sagupaan vs militar sa Maguindanao

By Ricky Brozas July 30, 2017 - 03:05 PM

Patay ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang maka-engkuwentro ng tropa ng pamahalaan sa bayan ng Rajah Buayan at Mamasapano, Maguindanao araw ng Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Edgar Catu ng 40th Infantry Batallion ng Philippine Army, nagsasagawa sila ng combat clearing operations laban sa BIFF nang mangyari ang sagupaan.

Ang operasyon ay inilunsad matapos ang pagpapasabog sa Barangay Pidsandawan sa nabanggit na bayan na ikinasugat ng siyam na sundalo.

Nabatid na sakay noon ang mga kawal sa military vehicle patungo sa Barangay Bakaj at Barangay Xapakan  nang masabugan nang  improvised explosive device (IED) na itinanim ng BIFF.

Samantala, itinanggi naman ni BIFF Spokesman Abu Misry mama ang ulat na nalagasan sila ng apat na miyembro sa naturang sagupaan.

TAGS: BIFF, Lt. Col. Edgar Catu, maguindanao, mamasapano, Rajah Buayan, BIFF, Lt. Col. Edgar Catu, maguindanao, mamasapano, Rajah Buayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.