PBA, magbibigay ng donasyon para sa mga biktima ng Marawi crisis

By Angellic Jordan July 30, 2017 - 03:02 PM

Inquirer file photo

Inanunsiyo ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbibigay ng donasyon sa mga apektadong residente ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay PBA league commissioner Chito Narvasa, nakikisimpatya ang PBA sa mga biktima ng krisis sa naturang lungsod.

Masakit aniyang malaman na maraming namamatay at lumilikas na residente sa lugar dahil sa gulo.

Samantala, manggagaling ang malilikom na pondo sa parte ng kikitain sa ticket sales para sa elimination round ng Governor’s Cup para makatulong sa pagbangon ng lungsod.

Maliban dito, inanunsiyo din ng PBA na magkakaroon ng discount price para sa general admission tickets simula sa August 2.

TAGS: Chito Narvasa, Governor's Cup, Marawi City crisis, PBA, Chito Narvasa, Governor's Cup, Marawi City crisis, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.