DOLE, sinimulan na ang emergency work program para Marawi evacuees

By Mark Makalalad July 30, 2017 - 09:11 AM

Kumikilos ngayon ang regional at provincial offices ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Lanao Del Sur para salain ang mga internally-displaced persons doon.

Ito’y para malaman ang tunay nila na bilang at matukoy ang mga indibidwal na kinakailangan nilang bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinimulan nila ang paghahanap ng mga beneficiaries sa kanilang emergency work program para sa mga evacuees mula Marawi City.

Hindi pa naman masabi ni Bello kung anong mga trabaho ang ibibigay sa mga kuwalipikadong beneficiaries na evacuees pero kanyang tiniyak na matutugan nito ang pangangailangan nila.

Samantala, namahagi rin daw ang DOLE ng cash assistance sa pamilya ng mga OFWs na nasa Lanao area na apektado ng kaguluhan.

TAGS: DOLE, emergency work program, Marawi evacuees, Silvestre Bello, DOLE, emergency work program, Marawi evacuees, Silvestre Bello

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.