Dalawang barangay na lang ang hawak ng Maute

By Angellic Jordan July 30, 2017 - 08:23 AM

Bumaba na sa dalawa’t kalahating barangay ang sakop ng Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy na nagiging progresibo ang operasyon ng tropa ng pamahalaan para tuluyang maibalik ang kapayapaan sa lugar.

Maliban dito, idineklara rin ni Padilla bilang “safe zones” ang kalapit-bayan na malapit sa Marawi at Lawa ng Lanao.

Dahil dito, maaari na aniyang umalis ang ilang apektadong residente sa evacuation centers at bumalik sa kani-kanilang mga tirahan.

Paglilinaw ng opisyal, ang mga itinuturing na “safe areas” ay malayo sa war zone sa Marawi City.

Ngunit paalala ni Padilla, kinakailangan muna ng mga residente na magkaroon ng safe conduct pass kung saan sasalang ang mga ito sa isang screening upang makumpirma ang kanilang pagkakakilanlan.

Sasamahan aniya ng militar ang mga residente sa pagbabalik sa kanilang bahay upang masiguro kanilang kaligtasan.

Siniguro rin ni Padilla na ginagawa ng militar ang lahat para sa mabilis na pagtatapos ng gyera sa naturang lugar.

TAGS: AFP, AFP spokesman Restituto Padilla, bakwit, Marawi City, Maute, AFP, AFP spokesman Restituto Padilla, bakwit, Marawi City, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.