Mas madugong bakbakan sa Marawi ibinabala ng AFP sa papasok na linggo
Asahan na na mas magiging malakas at magiging mas madugo ang bakbakan sa pagitan ng teroristang Maute group at tropa ng militar sa Marawi City sa susunod na linggo.
Paliwanag ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. ito ay dahil sa isa-isa nang nakukubkob ng militar ang mga stronghold na lugar ng mga terorista.
Inihalimbawa ni galvez ang ang pagkakabawi ng militar sa Mapandi bridge na mahalaga umano sa mga terorista.
Sinang ayunan ni Galvez ang pahayag ni Senador Manny Pacquaio na sa huling tatlo o apat na rounds na lamang ang giyera sa Marawi City kaya asahan na aniya na mas magiging intense ang labanan at magpapakitang gilas na ang mga terorista.
Ayon pa kay Galvez nasa animnapu hanggang pitumpong terorista pa ang nakakabakbakan ngayon ng militar.
Paniwala ni Galvez nasa Marawi City pa rin ang lider ng mga terosita na sina Abdullah Maute at si Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.