Magsasampa ng impeachment complaint ang isang abogado laban kay Chief Justice Maria Lourses Sereno.
Sa isang press conference sa kaninang umaga, sinabi ni Atty. Larry Gadon na bigo si Sereno na ideklara ang kanyang tunay na mga ari-arian sa isinumite niyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Kabilang dito ang kanyang kinita bilang dating abogado ng Philippine International Airport Terminals Corporation (PIATCO).
Sinabi rin ni Gadon na hindi makatwiran ang pagbili at paggamit ni Sereno ng isang P8 Million na halaga ng Toyota Land Cruiser gamit ang pondo ng bayan.
Ang nasabing sasakyan ay isang bullet-proof na Sports Utility Vehicles ay binili sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtipid ang mga opisyal sa paggamot ng budget ng pamahalaan.
Tumanggi naman si Gadon na isang talunang senatorial candidate noong 2016 elections na ibigay ang detalye ng kanyang reklamo para hindi raw mapaghandaan ang kampo ni Sereno.
Ipinagmalaki pa ni Gadon na may mga kongresista na rin siyang nakausap na mag-eendorso ng kanyang reklamo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.