Mahigit 300 pamilya na sa Metro Manila at Central Luzon ang apektado ni Typhoon Gorio na may international name na Nesat.
Ayon sa datos mula sa NDRRMC, ang 326 pamilya o 1,254 na mga indibidwal ay mula sa dalawang barangay ng Pampanga, at tig-isang barangay sa Malabon at Valenzuela.
Sa nasabing bilang, 183 pamilya ang kasalukuyang nasa walong evacuation centers.
Sa ngayon ay nasa blue alert status pa rin ang NDRRMC Operation Center para patuloy na mag-monitor at ipaalam sa publiko ang kalagayan ng panahon at mga pagbaha.
Wala pa namang naitatalang mga namatay o nasugatan dahil kay bagyong Gorio.
MOST READ
LATEST STORIES