Bagyong Gorio mas lalong lumakas habang papalabas sa bansa
Unti-unti nang nararamdaman sa ilang bahagi ng Taiwan ang hagupit ng bagyong Gorio na may international name na Nesat.
Kaninang tanghali ay sinuspinde na rin ang mga klase sa ilang mga lugar sa nasabing bansa pati na rin ang byahe ng kanilang train system.
Ngayong gabi ay inaasahang hahagupitin ng bagyo ang nasabing.
Si Gorio ay lalo pang lumakas habang papalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang nasabing bagyo ay huling namataan sa layong 210 kilometers Timog-Silangan ng Hualien province sa Taiwan na may pagbugsong umaabot sa 137 kilometers per hour.
Dito sa Pilipinas, sinabi ng Pagasa na magiging maulan ang malaking bahagi ng Luzon hanggang sa araw ng Linggo.
Kaninang tanghali ay nakita ang mata ng bagyong Gorio sa layong 265 kilometers Hilaga ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 145 kilometers per hour.
Nananatili pa ring nakataas ang signal number 2 sa ibabaw ng Batanes group of islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.