AFP binigyan ng U.S ng mga rockets at armas kontra sa Maute group
Tinanggap na ng Armed Forces of the Philippines ang ilang mga armas at bala mula sa U.S na nakatakda namang gamitin laban sa mga terorista tulad ng Maute terror group.
Sa inilabas na advisoty ng U.S Embassy, kanilang sinabi na ang mga bala at armas ay mas lalong magpapatatag sa AFP sa kanilang pagdurog sa mga kalaban ng estado partikular na sa Mindanao region.
Kabilang sa mga armas na nai-turn over na sa AFP ay ang 1,040 rocket motors, 992 piraso ng rockets para sa mga air assets ng Philippine Air force, 1,000 grenade launchers at 250 piraso ng rocket-propelled grenade launchers na ibibigay naman sa Philippine Army.
Ang nasabing mga armas ay una nang ipinangako ng U.S sa AFP sa pamamagitan ng Mutual Logistics Support Agreement.
Bahagi naman ng kanilang technical assistance sa giyera kontra sa Maute group, ang U.S ay nagbigay rin ng dalawang patrol aircraft sa militar.
Noong nakalipas na buwan ng Mayo ay tumanggap naman ng mga sniper’s rifles,pistols at iba pang military supplies ang Philippine Marine mula sa U.S government.
Sinabi pa ng U.S Emabassy na nananatiling kakampi ng kanilang bansa ang Pilipinas sa giyerna kontra sa terorrismo.
Ito ay sa kabila ng mga batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa U.S sa mga nakalipas na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.