Pacquiao handang sumabak sa barilan sa Marawi City

By Chona Yu July 29, 2017 - 01:27 PM

Aquiles Zonio/Inquirer

Nakahanda si Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na makipagbakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Sa pagbisita ni Pacquiao sa mga sundalo sa 103rd Brigade sa Camp Ranao sa Marawi City, sinabi nito na kung iimbitihan siya ng mga sundalo na sumama sa giyera ay hindi siya mag-aatubili na makipagbarilan sa mga terorista kasama ang kanyang mga kasamahang sundalo

Si Pacquiao ay isang reservist ng Philippine Army na may ranggong Lieutenant Colonel.

Gayunman, pabirong sinabi ni Pacquiao na kapag may nangyari sa kanya sa giyera ay wala nang panonoorin ang nga sundalo sa boxing ring.

Balak din ng mambabatas na muling bumisita sa Marawi City sa mga susunod na araw at kapag hindi pa rin natapos ang giyera ay sasama na siya sa tropa ng pamahalaan.

Bukod sa pagbisita sa mga sundalo para itaas ang kanilang morale ay namigay rin ang Pambansang Kamao ng mga goods para sa mga miyembro ng militar.

TAGS: AFP, manny pacquiao, Marawi City, Maute, Philippine Army, AFP, manny pacquiao, Marawi City, Maute, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.