Mga OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi pauwi na sa bansa

Inquirer file photo

Mahigit sa 100 mga distressed OFW mula sa Jeddah sa Saudi Arabia ang darating sa bansa mamayang hapon.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Overseas workers Welfare Administration (OWWA) na ang nasabing mga undocumented OFWs mula sa Saudi Arabia ay kabilang sa mga nabigyan ng amnesty ng nasabing bansa.

Sakay ng eroplano ng Philippine Airlines mula sa Jeddah, nakatakda silang dumating sa Ninoy Aquino International Airport mamayang alas-kwatro ng hapon.

Sasalubungin ng mga opisyal ng OWWA ang naturang mga OFW kung saan ay bibigyan sila ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng comprehensive assistance program ng ahensiya.

Magugunitang ilang mga manggagawa sa Saudi Arabia ang nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad doon ng “Saudization”.

Sinabi ng OWWA na per batch ang gagawing pag-uwi sa bansa ng mga OFWs na nawalan ng trabaho kung saan ay kaagad umano silang bibigyan ng tulong ng pamahalaan.

Read more...