Manny Pacquiao dumalaw sa mga sundalo sa Marawi City
Personal na binisita ni Sen. Manny Pacquiao ang tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Pasado alas-nueve ng umaga kaninang nang dumating si Pacquiao sa Camp Ranao kung saan ay sinalubong siya ng mga opisyal ng Task Force Marawi.
Suot ang kanyang full-military uniform, kaagad na binigyan ng briefing ng mga AFP officials ang Army Reservist na si Pacquiao na maytoong ranggong Lieutenant Colonel.
Habang nagaganap ang briefing ay dinig sa Camp Ranao ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng natitirang mga miyembro ng Maute terror group.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pambansang Kamao na nagpasya siyang dumalaw sa Marawi City para itaas ang morale ng mga sundalo sa lugar at magbigay na rin ng mga relief goods para sa tropa ng pamahalaan.
Hindi naman napigilan ng ilang mga sundalo na magpa-selfie kasama ang kanilang boxing idol bagay na pinagbigyan naman ni Pacquiao.
Video: https://twitter.com/dzIQ990/status/891112278325567488
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.