Ikalawang missile launch ng North Korea – nagresulta sa tension sa rehiyon

(Korean Central News Agency/Korea News Service via AP, File)

Muling nagsagawa ang North Korea ng isang bagong intercontinental ballistic missile (ICBM) test ayon sa impormasyong nakuha ng mga opisyal ng South Korea, Japan at America.
Lumipad ang nasabing missile sa layong 1000 kilometro mula sa hilaga ng bayan ng Jangang bago ito bumagsak sa karagatang sakop ng Japan.

Matatandaang unang nagsagawa ng unang ICBM test ang NoKor noong unang July 4.

Ayon kay Japanese Minister Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, ang nasabing missile launch ay posibleng lumipad ng hindi bababa sa 45 minuto at hindi naman nagtala ng anumang pinsala sa mga aircraft at vessels.

Ngunit sinabi ni Japanese Prime Ministor Shinzo Abe na ang naturang aksyon ay nagpapakita ng matinding banta sa seguridad ng Japan.

Sa inilabas na pahayag ng Pentagon, sinabi nitong patuloy silang maninindigan upang ipagtanggol ang mga kaalyadong bansa partikular ang Japan at South Korea sa mga kinahaharap na banta sa seguridad.

Simula Pebrero nitong taon, 12 beses nang nakapaglaunch ang NoKor ng missiles kung saan dalawa dito ay ICBM – na sinasabing kayang umabot sa kahit anong bahagi ng mundo. / Rhommel Balasbas

Read more...