Sa kabila ng umaahanghang na patutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng komunistang lider na si Joma Sison, pinakawalan kahapon ng New People’s Army ang bihag nitong pulis na kanilang dinukot dalawang linggo na ang nakakalipas.
Kinilala ang pulis na si PO1 Alfredo Basabica Jr., 26 taong gulang, dalawang taon na serbisyo at miyembro ng Provincial Public Safety Companu of Favao Oriental.
Alas tres kahapon ng pinalaya si Basabica sa Barangay Binondo, Baganga sa Davao Oriental.
Dinukot si Basabica bandang hapon noong Juy 11 sa isang checkpoint na sinet-up ng NPA sa Barangay Panansalan, bayan ng Compostela sa Compostela Valley.
Ang pagpapakawala sa nasabing pulis ay inaasahang makakatulong upang maipagpatuloy ng gobyerno at NPA ang usaping pangkapayapaan.
Nauna nang sinabi ng Pangulong Duterte sa kanyang SONA na ititigil na ang mga backchannel talks at fifth round ng usaping pangkapayaan sa mga komunista kasunod ng sunod-sunod na pag-atake nito sa pwersa ng pamahalaan.
Ayon naman sa dalawang partido, humahanap pa rin ng paraan ang peace negotiating panels kung paano masosolusyonan ang mga problemang pumipigil sa usaping pangkapayapaan. / Rhommel Balasbas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.