Suspek sa rape na nagpakamatay sa Crame, negatibo sa paraffin test
Nag-negatibo sa paraffin test ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang batang babae sa Pangasinan, na umano’y nagpakamatay sa loob mismo ng Camp Crame sa Quezon City.
Kamakailan ay naiulat ang pang-aagaw umano ng baril ng nasabing suspek na nakilalang si Hilario Herrera sa isa sa kaniyang mga police escorts na nagdala sa kaniya sa headquarters ng Philippine National Police matapos ang inquest proceedings.
Bagaman nasawi ang suspek sa insidente, naglunsad pa rin ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa nangyari, at doon napag-alaman na negatibo sa paraffin test ang mga kamay ng suspek.
Ibig sabihin nito ay maaring hindi ito nagpaputok ng baril.
Bukod naman kay Herrera, nag-negatibo rin sa test ang kaniyang mga police escorts.
Si Herrera ay ang suspek sa pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa walong taong gulang na batang babaeng si Christina Medina sa Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.