Naka-engkwentro ng mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion ng Philippine National Police ang mga pinaniniwalaang rebeldeng komunista sa Sitio Kampo 4 sa Barangay Sta. Maria East kahapon ng umaga.
Habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga otoridad, nabatid nila ang marka ng mga dugo sa isang daan na pinaniniwalaang ginamit ng armadong grupo para tumakas.
Dahil dito, hinala nila na may mga nasugatan rin sa panig ng mga armadong kalalakihan.
Ayon kay San Nicolas police chief Senior Insp. Arnold Soriano, naroon ang mga miyembro ng RPSB dahil sa mga ulat na may mga namataang rebelde sa lugar.
Sa ngayon ay hinahanap pa ng mga otoridad ang armadong grupo.