Gumagamit na rin ngayon ng Molotov bomb ang teroristang Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Brig. General Alexander Macario, ang commander ng Light Reaction Regiment Command ng Armed Forces of the Philippines, nag-iiwan na rin ng mga nakabukas na LPG tank sa Marawi city para mapatay ang mga sundalo.
Bukod dito sinabi ni Macario na ikinakalat na rin ng mga terorista ang kerosene sa paligid para kapag natamaan ng tracer bullet ay agad nang magliliyab ang lugar.
Aminado si Macario na malayo ang pagkakaiba ng giyera sa Marawi kumpara sa iba pang giyera sa Pilipinas dahil urban warfare ang nangyayari ngayon.
Inihalimbawa pa ni Macario na sa sitwasyon sa Marawi, aabutin ng isang araw o isa at kalahating araw ang pagtawid sa limamung metro na layo gayung kaya itong tawirin ng sampung segundo kung nasa bundok ang giyera.
Bukod dito sinabi ni Macario na malaking hadlang din sa kanilang hanay na tuluyang puksain ang mga terorista dahil sa mga sibilyan na maaring maging collateral damage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.