Customs Chief Faeldon, sinuportahan ang Chief-of-Staff

By Justinne Punsalang July 28, 2017 - 07:49 PM

Hindi sisibakin ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kanyang Chief-of-Staff na si Atty. Mandy Anderson.

Ayon kay Faeldon, may karapatan si Anderson na magpahayag ng kanyang personal na opinyon.

Aniya, hindi niya tatanggalin sa Customs si Anderson dahil kailangan nila ng mga magtatrabaho para sa nasabing ahensya ng gobyerno na walang bahid ng pulitika at kurapsyon.

Dagdag pa ni Faeldon, hindi naman naaapektuhan ng personal na opinyon ni Anderson ang kanyang pagseserbisyo para sa publiko.

Sinabi din ng Customs Commissioner na ang opinyon ni Anderson ay opinyon niya lamang at hindi nito kinakatawan ang opinyon ng kabuuan ng Customs.

Matatandaang pinagsabihan ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas si Anderson noong Miyerkules sa isang congressional hearing dahil tinawag ni Anderson na isang ‘imbecile’ si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang Facebook profile.

Ito ay kaugnay ng pagbabanta ni Alvarez na bubuwagin niya ang Coart of Appeals dahil sa inilabas nitong release order para sa tinaguriang Ilocos Six.

TAGS: Bureau of Customs, Mandy Anderson, Nicanor Faeldon, Bureau of Customs, Mandy Anderson, Nicanor Faeldon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.