Pahayag ni Pangulong Duterte na pabobomba niya ang mga Lumad schools, pinababawi
Pinababawi ng International organization na Human Rights Watch (HRW) kay Pangulong Duterte ang kanyang pahayag na ipag-uutos nya sa mga militar ang pagbomba sa mga lumad schools na umano’y pinapatakbo ng mga rebelde.
Sa isang pahayag, sinabi ni HRW Asia Division’s Philippine researcher Carlos Conde na nilalagay lamang ng pangulo ang kanyang sarili sa posibleng war case sa international court dahil sa nangyari.
Ayon sa grupo, maaring maging hudyat lamang ng mas marami pang pang-aabuso sa mga katutubo ang demand ng Pangulo.
Nilinaw na ng Malacanang, nais lang ni Duterte na wasakin ang mga mismong istruktura ng mga naturang paaralan, pero hindi niya nais ilagay sa kapahamakan ang mga bata.
Paglilinaw pa ng Palasyo, wala siyang balak bombahin ang mga paaralan nang may mga tao, kaya niya sinasabihan ang mga taong malalapit doon na magsi-alisan na.
Samantala, sa kabila ng panawagan ng ibang grupo at ng ilang mamababatas, dumidistansya pa rin ang Deped tungkol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.