Mga bakwit mula sa mga bayang nasa paligid ng Marawi, maari ng makauwi sa kani-kanilang tahanan

By Chona Yu July 28, 2017 - 02:51 PM

Pinapayagan na ng militar na makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng naninirahan sa mga bayang malapit sa Marawi City at sa paligid ng Lanao Lake.

Ayon kay Brig. Gen. Ramiro Rey, commander ng Task Force Ranao ang mga sumusunod na bayan ng Ditsaan-Ramain, Bubong, Buadipuso-Buntong, Mulundo, Taraku, Tamparan, Maguing, Poona Bayabao, Lumba Bayabao, Masiu, Madamba and Marantao ay ligtas na.

Pero agad na nilinaw na Rey na ‘strictly no entry’ pa rin sa mga bakwit ang Marawi City.

Paliwanag ni Rey bagamat wala ng presensya ng mga terorista ang malaking bahagi ng Marawi, marami pa rin ang tumatama na ligaw na bala bukod pa sa mga iniwang Improvised Explosive Device (IED).

TAGS: IED, marawi, Ramiro Rey, IED, marawi, Ramiro Rey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.