P30M emergency employment assistance, inilaan ng DOLE para sa mga residente ng Marawi

By Rohanisa Abbas July 28, 2017 - 11:25 AM

Nakalatag na ang emergency employment program ng Department of Labor and Employment para sa mga residente ng Marawi City na apektado ng kaguluhan sa lungsod.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nakahanda na ang 30 milyong pisong pondo para sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD para bigyan ng trabaho ang mga residente.

Sa ilalim ng programang TUPAD, magkakaroon ng sahod na 338 pesos kada araw ang manggawa sa loob ng 30 araw.

Ipinahayag ni Bello na dinala ng DOLE ang ayuda sa mga lugar kung saan lumikas ang mga residente dahil sa ngayon, hindi pa makakapagtrabaho sa Marawi ang mga ito.

Ang mga manggagawa sa ilalim ng TUPAD ay magtatrabaho para sa social community at agro-forestry projects.

Inaasahang halos 3,000 bakwit ang makikinabang sa programa.

 

 

TAGS: DOLE, marawi, Silvestre Bello III, DOLE, marawi, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.