Rightsizing bill, makakaapekto sa mga manggagawa sa gobyerno

By Erwin Aguilon July 28, 2017 - 11:14 AM

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na magdudulot lamang ng kontraktwalisasyon kapag naging batas ang rightsizing act.

Sinabi ni Zarate na kapag pinag-isa ang ilang ahensya ng gobyerno at binuwag ang mga non-performing offices maaapektuhan ang security of tenure ng mga nasa gobyerno.

Ginagamit lamang anya ang rightsizing upang sabihing mas magiging maayos ang serbisyo pero ang totoo ay anti-manggagawa ito.

Magreresulta naman sa malawakang sibakan sa trabaho sa gobyerno para kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang rightsizing.

Bukod dito, magpapalala din anya ito sa kalagayan ng maraming mga kontraktwal na manggagawa sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

 

TAGS: Ariel Casilao, Carlos Isagani Zarate, kontraktuwalisasyon, Rightsizing bill, Ariel Casilao, Carlos Isagani Zarate, kontraktuwalisasyon, Rightsizing bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.