Isang puno, bumagsak sa service lane sa Roxas Blvd.

By Mark Makalalad July 28, 2017 - 11:45 AM

Dahil sa malakas na hangin dulot ng masamang panahon, bumagsak ang isang puno ng Ipil-Ipil sa service lane sa Roxas Blvd.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, alas nueve ng umaga ng maganap ang insidente kung saan habang nagwawalis ang isa sa nilang mga tauhan sa service lane ay bigla na lamang itong tumumba.

Mahigit isang dekada na ang tanda ng puno na bumagsak at nasa 20 talampakan ang taas.

Dahil sa laki at kapal ng mga sanga, nagdulot din ito ng aberya sa mga bus at mini truck na dumadaan sa lugar.

Nabatid naman na kulang kulang sa kagamitan ang mga enforcer ng Department of Public Works and Highway at MMDA at naging mano-mano ang pagtanggal nila ng sanga dahil wala silang bolo at chainsaw na pamputol.

Sinirado ng 30 minuto ang naturang daanan gamit ang orange barrier at makaraang maisaayos ang mga sanga na bumagsak ay agad na itong binuksan.

Samantala, sa hindi naman kalayuan sa area pa rin ng Roxas Blvd, isang mas batang puno naman ng Ipil-Ipil din ang bumigay.

Dahil sa walang mobile, hinatid sila ng Radyo Inquirer sa pinagbagsakan ng puno para maisaayos ang daloy ng trapiko.

 

 

TAGS: DPWH, mmda, roxas blvd, DPWH, mmda, roxas blvd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.