Bagyong “Gorio,” bumilis at lumakas

Bumilis at lumakas ang bagyong “Gorio” habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa.

Base sa pinakahuling update ng PAGASA, huling namataan ang bagyong “Gorio” sa 545 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugso na 130 kilometers per hour.

Inaasahang tatahakin nito ang direksyong Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nananatili namang nakataas ang signal number 1 sa lalawigan ng Batanes.

Magiging maulan naman ang darating na weekend, at posibleng makaranas pa ng mahina hanggang katamtamang ulan hanggang Lunes sa Metro Manila, kung kailan inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Huli namang namataan sa 450 km West ng Calayan, Cagayan sa labas ng PAR ang isa pang namataang Tropical Depression.

Read more...