Mga Canadian, British at Australian, pinaiiwas muna sa Mindanao

By Kabie Aenlle July 28, 2017 - 04:24 AM

 

Matapos payagan ng Kongreso ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, sunud-sunod na naglabas ng travel warnings ang iba’t ibang bansa sa kanilang mga mamamayan.

Unang naglabas ng travel advisory ang pamahalaan ng Canada, kung saan binalaan nila ang kanilang mga mamamayan laban sa pagbisita sa anumang bahagi ng Mindanao, maliban sa Davao City.

Paliwanag ng Canada, may seryosong banta ng terorismo at kidnappings sa rehiyon, kasunod ng panawagan na pumunta lang sa Davao City kung talagang kinakailangan.

Sumunod namang naglabas ng advisory ang British government, na nagsabing posibleng magsagawa ng pag-atake ang mga terorista sa anumang bahagi ng Pilipinas, kasama na ang Maynila.

Gayunman, sa Mindanao anila ang may pinakamataas na banta sa seguridad.

Nabanggit rin sa kanilang advisory na mayroong mga banta ng kidnappings at terorismo sa Dumaguete City at Siquijor sa Visayas.

Ganito rin ang naging paalala ng Australia sa kanilang mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.