Ayon sa Commission on Population (Popcom), naungusan ng bansang Ethiopia ang Pilipinas ngayong taon.
Ayon naman kay Popcom executive director Juan Antonio Perez, maari pang bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa mga susunod na taon dahil mas mataas ang population growth rate ng Egypt, ngayo’y na nasa ika-14 na pwesto.
Mayroon kasing 1.5 na population growth rate ang Pilipinas, habang ang Egypt ay may 1.9 na growth rate.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 104.3 million na ang kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Sa kabila naman ng pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa listahan, tiniyak ni Perez na nakahanda ang gobyerno sa pagbibigay ng mas magandang reproductive health services para mas maibaba pa ang kasalukuyang posisyon ng bansa.