Pilipinas, ika-13 sa may pinakamalaking populasyon sa mundo

By Kabie Aenlle July 28, 2017 - 04:22 AM

 

Mula sa dating ika-12 na pwesto, nasa ika-13 na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalaking populasyon sa buong mundo.

Ayon sa Commission on Population (Popcom), naungusan ng bansang Ethiopia ang Pilipinas ngayong taon.

Ayon naman kay Popcom executive director Juan Antonio Perez, maari pang bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa mga susunod na taon dahil mas mataas ang population growth rate ng Egypt, ngayo’y na nasa ika-14 na pwesto.

Mayroon kasing 1.5 na population growth rate ang Pilipinas, habang ang Egypt ay may 1.9 na growth rate.

Sa ngayon ay tinatayang nasa 104.3 million na ang kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Sa kabila naman ng pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa listahan, tiniyak ni Perez na nakahanda ang gobyerno sa pagbibigay ng mas magandang reproductive health services para mas maibaba pa ang kasalukuyang posisyon ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.