Madalas na aberya sa MRT, isinisisi sa disenyo

By Kabie Aenlle July 28, 2017 - 04:22 AM

Mismong ang disenyo at kalidad ng mga tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang itinuturo ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) na dahilan ng madalas na aberyang nararanasan ng mga commuters.

Ito ang naging sagot ng BURI sa audit report ng Commission on Audit (COA) kung saan pinagsabihan nito ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa dumadaming aberya sa MRT mula nang makuha ng kumpanya ang maintenance contract noong Enero.

Sa liham na ipinadala nila sa COA, iginiit ng BURI na hindi lang basta “wear and tear” ang kondisyon ng MRT at na hindi lang sa maintenance works nakadepende ang mga isyu nito.

Ayon sa BURI, kailangang ikonsidera ang disenyo ng sistema pati na ang kalidad nito para sa reliability ng tren dahil nakakaapekto ito sa performance ng sistema.

Maari din anila nitong mapalubha ang hindi na magandang kondisyon ng sistema.

Nagdudulot na anila ang mga isyung ito ng matitinding glitches sa operasyon ng MRT, na hindi masosolusyunan kahit ng “diligent and regular preventive and corrective maintenance.”

Kabilang sa mga isyu sa disenyo ay ang sobrang lateral movement ng light rail vehicles, maiksing delay time ng onboard automatic train protection equipment, mahinang kapasidad ng airconditioning unit at ang mahinang kalidad ng line contractors, couplers, bogie frames at tracks.

Paliwanag ng BURI, ito ang dahilan ng pagkasira ng mga electrical, electronic at mechanical parts ng tren.

Inirekomenda naman ng COA sa DOTr na tukuyin kung kapani-paniwala ang mga paliwanag ng BURI at ikonsidera din ang pagkuha ng accredited expert para masiyasat ang performance efficiency ng MRT.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.