Isa pang tropical depression namataan sa labas ng PAR, weekend magiging maulan-PAGASA

By Jay Dones July 28, 2017 - 03:45 AM

 

Asahan na ang mga pag-ulan hanggang weekend dulot ng tatlong weather disturbances sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, patuloy na makakaapekto sa lagay ng panahon hanggang sa Linggo ang severe tropical storm ‘Gorio’ na pinakahuling namataan 555 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Patuloy nitong tinatahak ang direksyong northwest papalabas ng teritoryo ng bansa sa bilis na 13 kilometers per hour.

Napanatili naman nito ang taglay na lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugso na 115 kilometers per hour.

Gayunman, Bukod sa bagyong ‘Gorio’, isa pang tropical depression ang namataan ng PAGASA sa West Philippine Sea sa layong 380 kilometro west northwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Nasa labas ito ng PAR at hindi inaasahang papasok sa teritoryo ng bansa ayon sa PAGASA.

Gayunman, dahil sa dalawang weather system, palalakasin nito ang epekto ng Southwest Monsoon o habagat na magdadala ng moderate to occasionally heavy rains sa western section ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Light to moderate rains naman ang inaasahan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Pagsapit ng Linggo hanggang Lunes, inaasahang unti-unti nang gaganda ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon sa paglabas ng PAR ng bagyong ‘Gorio’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.