Sunod-sunod na sunog sa ‘controlled area’ sa Marawi, ipinagtataka ng mga residente

By Chona Yu July 28, 2017 - 04:25 AM

 

Hindi lang bomba, airstrikes, snipers, looters o mga magnanakaw ang inaalala ngayon ng mga bakwit sa Marawi city kundi maging ang sunud- sunod na kaso ng sunog kahit sa mga lugar na deklaradong ‘controlled area’ ng militar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sunud-sunod na ang insidente ng sunog sa Marawi.

Ipinagtataka ng mga bakwit kung paano nagkakaroon ng sunog sa mga ‘controlled area’ gayung tanging ang mga sundalo lamang ang nasa lugar.

Paliwanag naman ni Captain Jo Ann Petinglay tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, stray bullet ang pangunahing sanhi ng sunog.

Aminado ang bfp na hindi madali para sa kanila ang pag-responde sa sunog.

Bukod kasi sa patuloy na giyera sa pagitan ng teroristang Maute group at militar, may mga pagkakataon na nahaharang pa ang kanilang mga bumbero sa mga itinayong checkpoint ng militar.

Dahil sa mga insidenteng ito, hindi maiwasan ng mga residente na magpumilit na makabalik ng Marawi masilayan lamang ang kanilang mga iniwang tahanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.