Pangulong Duterte dapat ding madiin sa Marcos reinstatement-De Lima

By Ruel Perez July 28, 2017 - 04:25 AM

 

Katulad ng mga kasamahang senador, kaisa si Sen. Leila de Lima sa pagkondena sa reinstatement ni Supt. Marvin Marcos at mga kasamahan nito.

Pero giit ni De Lima, hindi dapat na sina Chief PNP Ronald Bato dela Rosa at DOJ Undersecretary Reynante Orceo lamang ang usigin ng senado dahil sumunod lamang ang mga ito sa sa ilegal na kautusan.

Malinaw na utos umano mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ibalik sa serbisyo sina Supt. Marvin Marcos na posible pang ma-promote pa sa pwesto ayon na rin sa pag-amin ni Dela Rosa.

Giit ng senadora, dapat si Pangulong Duterte ang madiin dahil ang pangulo ang nag-utos kung kaya naibaba ang murder to homicide at naibalik sa serbisyo si Marcos.

Isinalang na sa imbestigasyon ng senado ang reinstatement ni Marcos at kasamahan nito kahapon na dinaluhan din ng mga opisyal mula sa National Prosecution Service at NBI Director Dante Gueran na tulad ng mga senador ay nanindigan sa naunang findings na murder dapat ang kaso nina Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.