Bagyong Gorio, magdadala ng pabugso-bugsong ulan sa Western Luzon
By: Justinne Punsalang
- 7 years ago
Asahan na ang mahina hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pagbugso ng ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Kabilang dito ang mga probinsya ng Ilocos, Cordillera region, Region 3, CALABARZON, mga probinsya ng Mindoro, maging ang Palawan. Mananatili ang yellow rainfall warning sa loob ng 36 na oras sa mga nasabing lugar. Para naman sa nalalabing bahagi ng Luzon at kalakhan ng Visayas, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang dapat asahan. Gayun din sa Mindanao na may kasamang mga pagkulog at pagkidlat. Samantala, signal number 1 ngayon sa Batanes. Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Gorio sa Linggo o sa darating na Lunes.