Batanes,nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Warning No. 1
Itinaas na sa Tropical Cyclone Warning No. 1 sa lalawigan ng Batanes kasunod ng paglakas ng Bagyong Gorio bilang isang severe tropical storm.
Base sa pinakahuling bulletin ng PAGASA galing kay forecaster Norie dela Cruz, ang Bagyong Gorio ay may taglay na sustained winds na 90kph at pagbugso na 150km
Kumikilos ngayon ang bagyo sa direksyon ng northwest sa bilis na 13kph.
Patuloy na palalakasin ng bagyo ang habagat na magdudulot ng mga katamtaman hanggang malakas na pag -ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila at mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Asahan din ang flashflood sa mga nabanggit na lugar at katamtaman hanggang malakas na pag-alon sa mga baybaying bahagi ng Western lLuzon na mapanganib sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.