Mga nagpakilalang miyembro ng Interpol nahuli sa Marawi City
Kasong paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority ang isinampang kaso ng Marawi City Police Station laban sa pitong nagpakilalang miyembro ng Interpol, PNP at AFP na una nang naharang sa isang checkpoint sa Brgy. Emie Punud sa nasabing lungsod.
Ayon kay PNP Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) Regional Director Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, sakay ng kulay puting Toyota Fortuner na walang plaka ng masabat ang mga suspek.
Galing umano sa Iligan City ang pito at papunta sa Marawi City ng mahuli sa checkpoint ng mga pulis.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ariel Cabanes Bejaan, 45 anyos, taga Pagalungan Cagayan De Oro City; Pacito Sabuclalao Villanueva 45 anyos ng Sumilao Bukidnon; Juniper Adlawan Alestre Sr. 52 anyos taga Bagontas Valencia Bukidnon; Bienvenido Malaza Sepe, 68 ng Poblacion Cabacan Cotabato City; Florante Ramos Alejandrino, 38-anyos ng Puerto Bugo Cagayan de Oro City; Rufina Gomez Guyatao, 53-anyos ng Bagong Taas Valencia Bukidnon at Elsie Timola Lantong, 48- anyos ng Sumilao Bukidnon.
Sinasabi ng mga suspek na makikipagpulong raw sila sa United Nations member na si Capt. James Gothrie.
Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang military uniform at patches ng AFP at PNP, combat boots, iba’t bang identification cards, kabilang pa ang ilang I.Ds ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.