Reinstatement sa serbisyo ni Supt. Marcos ipinagtanggol ni Honasan
Idinepensa ni Sen. Gringo Honasan ang reinstatement sa serbisyo ni Supt Marvin Marcos at mga kasamahan nito na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Paliwanag ni Honasan, prerogative ito at discretion ng presidente lalo at wala pa naman umanong hatol ang hukuman laban kina Marcos na naibalik sa on-duty status matapos ang suspensyon.
Kumbinsido din si Honasan sa naging pahayag ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na kulang sila sa mga tauhan kung kaya mas makabubuti na pagtrabahuhin ulit sina Marcos lalo at tuloy din naman ang pasweldo sa mga ito.
Dagdag pa ni Honasan, katanggap-tanggap naman at maaring itolerate ang reinstatement nina Marcos lalo at dumaan naman ang kaso ng mga ito sa due process.
Sa kanyang pagbabalik sa serbisyo ay pamumunuan ni Marcos ang Criminal Investiogation and Detection Group Region 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.