Paraan ng Cha-cha pinag-aaralan na sa Senado

By Ruel Perez July 27, 2017 - 04:03 PM

Photo: Radyo Inquirer

Nakatakdang bumuo ng isang TWG o Technical Working Group ang Senado para sa ikakasang charter change kasunod ng planong shift o pagpapalit ng sistema tungo sa federal form of government.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, naaprubahan ito ng mga senador sa isinagawang caucus ng Senate leadership sa pangunguna ni Senate President Koko Pimentel.

Pangunahing magiging trabaho ng TWG ay ang pagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa pinakamabisang paraan na gagamitin sa Cha-Cha – kung ito ba ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-con o Constituent Assembly o Con-Ass.

Nauna nang naging argumento na Con-Ass ang posible gagamiting mode of charter change dahil sa mas matipid ito kumpara sa Con-Con dahil ang mga kasalukuyang kongresista na ang tatayong Assemblymen na babalangkas sa bagong Saligang Batas.

Dagdag ni Sotto, sa kasalukuyan, kasama sa 36 na priority bills ng Kongreso ang Cha-cha para sa unang dalawang quarter ng 2nd regular session ng 17th Congress sa tatagal hanggang sa Disyembre 15 ngayong taon.

TAGS: charter change, Congress, Senate, Vicente Sotto III, charter change, Congress, Senate, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.