Government work sa Metro Manila sinuspinde na ng Malakanyang; mga korte sa NCR wala na ring pasok

Sinuspinde na ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno simula ala 1:00 ng hapon.

Sa anunsyo ni Executive Secretary Ernesto Abella, pinapayagan nang umuwi ang mga empleyado ng gobyerno dahil sa masamang panahon.

Mananatili namang may pasok ang mga empleyado ng gobyerno na nasa emergency at disaster response at health services.

Sinuspinde na rin ng Malakanyang ang klase sa sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa buong Metro Manila.

Para sa mga paribadong paaralan, sinabi ni Abelle na ipinauubaya nila sa diskresyon ng mga pamunuan ng mga private school ang pagpapasya.

Maaga pa lamang ng Huwebes, halos lahat ng lugar sa Metro Manila ay nagsuspinde na ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Maliban lamang sa Quezon City na ala una na ng hapon nagsuspinde ng klase at ang Makati City at Pasig City na hindi nag-anunsyo ng suspesnsyon.

Samantala, sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila.

Sa abiso ng public information office ng Supreme Court, suspendido na ang pasok sa mga korte mula ala 1:00 ng hapon.

Ang mga korte naman sa mga lalawigan na apektado rin ng pag-ulan, mayroong diskresyon ang executive judge na mag-anunsyo ng suspensyon.

 

 

 

 

 

Read more...