Antas ng tubig sa Marikina San Mateo, Rizal patuloy din sa pagtaas
Malapit na ring umabot sa alert level ang antas ng tubig sa San Mateo, Rizal.
Ang San Mateo river ay nasa 17.63 meters na kaninang alas 10:00 ng umaga.
Ilalagay na ito sa alert level umabot sa 18 meters, alaerm level kapag umabot na sa 19 meters at critical level kapag 20 meter.
Batasan Bridge Water Level Update:17.63 meters as of 10AM I @dzIQ990 pic.twitter.com/LcoSUrEOGv
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) July 27, 2017
Sa Marikina City naman, alas bago mag alas 10:00 ng umaga, nasa 14.3 meters na ang water level ng Marikina river.
Sa sandaling umakyat sa 15 meters ay itataas na ang 1st alarm at patutunugin ang sirena, hudyat na kailangan nang maghanda ng mga residente sa palibot ng ilog sa posibleng evacuation.
Kakailanganin naman nang maglikas ng residente kapag umabot na sa 16 meter ang water level sa ilog.
Habang forced evacuation na ang ipatutupad kapag naabot ng Marikina river ang 3rd alarm o 18 meters.
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 27, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.