Mga residente sa katabing bayan ng Marawi City, nadalhan na ng relief goods

By Chona Yu July 27, 2017 - 08:51 AM

Naabutan na ng tulong ang mga residente sa Ditsaan-Ramain na kasunod na bayan lamang ng Marawi City.

Simula ng mag-umpisa ang bakbakan sa Marawi City, mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas ay hindi napupuntahan ng pamahalaang panlalawigan ng Lanao Del Sur ang mga residente sa Ditsaan-Ramain.

Nasa 2,700 na pamilya ang naabutan ng relief goods na naglalaman ng kalahating sako ng bigas, sardinas, corned beef at iba pang relief goods.

Hindi naging madali para sa crisis management committee ng Lanao Del Sur ang pagpasok sa nasabing bayan dahil sa panganib sa kanilang daraanan.

Samantala, ayon ka Marawi City Mayor Majul Gandamra, unti-unti nang nasasaid ang pondo ng City Government para tustusan ang pang araw-araw na kailangan ng mga bakwit.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ni Gandamra sa National Government na tulungan sila sa mga evacuees.

Ngayong araw ay patuloy ang airstrike ng pwersa ng pamahalaan sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute terror group.


 

 

 

 

 

TAGS: Ditsaan-Ramain, Marawi City, raydo inquirer, Ditsaan-Ramain, Marawi City, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.