Bagyong Gorio, lumakas pa; flashflood at landslides ibinabala ng PAGASA dahil sa Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2017 - 06:35 AM

Lumakas pa ang bagyong Gorio na huling namataan ng PAGASA sa 595 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora o sa 625 East ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85kph at pagbugsong aabot sa 105kph.

North Northwest ang direksyon ng bagyo sa bilis na 13 kph.

Ayon sa PAGASA apektado pa rin ng Habagat ang buong Luzon at ang Western Visayas at ang mga nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa Metro Manila, mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON at sa lalawigan ng Mindoro at Palawan.

Sa pinakahuling abiso ng PAGASA apektado ng thunderstorm ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan at Bataan.

Samantala, magiging maulap naman ang papawirin at makararanas ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol at lalawigan ng Marinduque at Romblon.

 

 

 

TAGS: gorioph, Pagasa, Radyo Inquirer, weather in PH, gorioph, Pagasa, Radyo Inquirer, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.