Mga transgender, ipagbabawal na ni Trump sa US military

By Kabie Aenlle July 27, 2017 - 04:31 AM

 

Hindi na pahihintulutan ni US President Donald Trump ang pagpasok o pagsisilbi ng mga transgender sa hukbong sandatahan ng Estados Unidos.

Inunsyo ito ni Trump sa kaniyang Twitter account, nang walang binabanggit na detalye sa kung anong mangyayari sa mga transgender na naninilbihan na sa US military.

Ayon kay Trump, hindi na tatanggapin ng pamahalaan ang mga transgender na magsilbi “in any capacity” sa US military base sa konsultasyon niya sa mga heneral at military experts.

Katwiran ni Trump, dapat na nakatuon ang pansin ng kanilang military sa “decisive and overwhelming victory,” at hindi sa malalaking medical costs at “disruption” na dala ng mga transgender sa military.

Sa ngayon ay mayroon nang nasa 250 na miyembro ng US military ang nasa proseso na sa pagpapalit sa kanilang napiling kasarian, o kaya ay napayagan nang pormal na magpalit ng kanilang gender sa personnel system ng Pentagon.

Matatandaang noong nakaraang taon nagsimula ang bukas na pagsisilbi ng mga transgender sa military matapos alisin ni dating Defense Sec. Ash Carter ang ban dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.