Ayon kay Sotto, nagkasundo sila ni Senate President Koko Pimentel na mas makabubuti kung committee of the whole na ang tumalakay sa panukala upang masagot ang lahat ng katanungan ng mga senador.
Sa majority caucus aniya pinatawag din ang mga kinatawan ng NEDA upang ipaliwanag ang nilalaman ng Tax Reform Package.
Aminado rin si Sotto na mahihirapan silang i-adopt ang buong panukala na nagmula sa Kamara dahil marami na sa mga probisyon ang binago.
Binigyang diin ng senador na may mga probisyon na sumobra na sa ninanais ng pangulo.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson mas makabubuti nang committee on the whole upang mabilis na mapagbotohan ang panukala ng mga miyembro.