Tax Reform Program ng Duterte admin, hihilinging isalang sa Committee of the Whole sa Senado

By Ruel Perez July 27, 2017 - 04:07 AM

Hihilingin ni Senate Majority Leader Tito Sotto na ipasa na sa Cmmittee of the Whole ang pagtalakay sa Tax Reform Package na isinusulong ng Duterte administration.

Ayon kay Sotto, nagkasundo sila ni Senate President Koko Pimentel na mas makabubuti kung committee of the whole na ang tumalakay sa panukala upang masagot ang lahat ng katanungan ng mga senador.

Sa majority caucus aniya pinatawag din ang mga kinatawan ng NEDA upang ipaliwanag ang nilalaman ng Tax Reform Package.

Aminado rin si Sotto na mahihirapan silang i-adopt ang buong panukala na nagmula sa Kamara dahil marami na sa mga probisyon ang binago.

Binigyang diin ng senador na may mga probisyon na sumobra na sa ninanais ng pangulo.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson mas makabubuti nang committee on the whole upang mabilis na mapagbotohan ang panukala ng mga miyembro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.