Imam, itinalagang bagong hepe ng Marawi police

By Chona Yu July 27, 2017 - 04:09 AM

 

Itinalaga ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa si Supt. Ebra Moxir al Haj na isang imam bilang bagong chief of police ng Marawi.

Pinalitan ni Moxsir si Chief Inspector Parson Asadil na itinalaga naman sa Basilan Police Provincial Office.

Naniniwala si PNP-ARMM Director Shief Supt. Reuben Theodre Sindac na malaki ang maitutulong ni Moksir para maibalik ang kapayapaan sa Marawi.

Paliwanag ni Sindac, ang pinagsamang ispritwal at stratehikong pamumuno ni Moxir ang magiging sandata para tuluyang makabangon ang Marawi matapos ang giyera sa pagitan ng teroristang Maute at militar.

Nabatid na isang tunay na Maranao at ipinanganak sa Marawi si Moxsir.

Si Moksir din ang presidente ng Imam Council of the Philippines at 22 taong nanilbihan sa PNP Chaplain Service.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.