Supt. Marcos, pwede pang mapromote-PNP Chief

By Mariel Cruz July 27, 2017 - 04:38 AM

 

Sa kabila ng kontrobersiyang bumabalot sa kanyang reinstatement, maaari pang tumaas ang ranggo ni Supt. Marvin Marcos sa kanyang bagong assignment.

Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, may posibilidad pa na ma-promote si Marcos sa ranggo ng isang Senior Superintendent, na katumbas ng military rank na Colonel.

Kung aabutin aniya ng anim na buwan na residency period ang pagiging hepe ni Marcos sa CIDG Soccsargen, ay pwedeng tumaas ang kanyang ranggo.

Sinimulan na ng Senate committee on public order and drugs, at justice and human rights ang imbestigasyon sa kontrobersyal na reinstatement ni Marcos.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, na siyang chairman ng public order committee, na ang reassignment ni Marcos ay posibleng magsilbing susi sa kanyang promotion.

Pero binanggit din ng senador na babantayan nila kung anuman ang gagawin ng mga matataas na opisyal kay Marcos.

Matatandaang pinangunahan ni Marcos ang labing walong miyembro ng CIDG Region 8 na nagsagawa ng raid sa loob ng kulungan ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., na naging dahilan ng pagkamatay ng alkalde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.