Dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar, tuloy ang paglobo ng pagkakautang ng Pilipinas.
Sa pinakahuling rekord na inilabas ng Bureau of Treasury, umaabot na sa halos P6.417 trilyon ang outstanding debt ng gobyerno sa unang anim na buwan pa lamang ng taong 2017.
Mas mataas ito ng 7.9 percent kung ikukumpara sa P5.948 trillion lamang noong June 2016.
Malaking bahagi ng kabuuang pagkakautang ng gobyerno ay mula sa domestic debt na nasa P4.186 trilyong piso.
Nasa P2.231 trilyon naman ang external debt o panlabas na pagkakautang ng bansa.
Ayon sa BOT, malaki ang epekto ng patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar sa paglobo ng pagkakautang ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.