Malakas na buhos ng ulan ibinabala sa Luzon at Metro Manila

By Mariel Cruz July 26, 2017 - 05:09 PM

Inquirer file photo

Muling nagpalabas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya kaninang alas-dos ng hapon.

Dahil dito, inaasahang magpapatuloy ang nararanasan mga pag-ulan dahil sa southwest monsoon o habagat.

Sa latest weather bulleting ng PAGASA, isinailalim sa yellow rainfall warning ang Metro Manila, Bataan, Bulacan, Tarlac at Zambales.

Samantala, patuloy na mararanasan ang mahina hanggang sa katamtaman at pabugso bugsong malakas na pag-ulan ang Nueva Ecija at Calabarzon.

Tanging ang probinsya ng Pampanga ang nadagdagan sa listahan.

Bukod sa habagat, nagdudulot din ng mga pag-ulan sa bansa ang bagyong Gorio, na nagresulta ng pagkakansela ng mga klase sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at kalapit na lugar.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na hanggang sa araw ng Linggo magiging maulan sa malaking bahagi ng Luzon.

TAGS: Floods, Gorio, Luzon, Metro Manila, Pagasa, Floods, Gorio, Luzon, Metro Manila, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.