Isa na namang preso nasawi sa kulungan sa MPD dahil sa heat stroke

By Justinne Punsalang July 26, 2017 - 12:44 PM

FILE PHOTO / RUEL PEREZ

Isang araw matapos mamatay ng dalawang bilanggo ng Manila Police District (MPD) dahil sa heat stroke, isa na namang preso ang binawian ng buhay bunsod ng parehong kadahilanan.

Kinilala ang bilanggo na si June Agdeppa, 45 taong gulang.

Nakapiit si Agdeppa sa Drug Enforcement Unit (DEU) jail ng MPD.

Namatay si Agdeppa habang ito ay ginagamot sa Ospital ng Maynila.

Ayon sa hepe ng DEU na si Senior Inspector Salvador Tangdol, ang naturang piitan ay kaya lamang mag-accommodate ng 28 na katao, ngunit 86 na mga bilanggo ang nakakulong dito.

Ayon pa kay Tangdol, natatagalan ang mga judge na mag-release ng commitment order kaya hindi pa nila mailipat ang mga inmate ng DEU sa Manila City Jail.

 

 

 

 

 

TAGS: jail, Manila Police District, MPD, overcrowded, jail, Manila Police District, MPD, overcrowded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.